


Pilit smile dahil tense sa pagkocontrol :)))) pero sana pwede kong i-take home tong Segway at sana mag gain ako ng weight kahit konti. :|
(Manila International Auto Show 2012)
Anong muling ibalik? Muling ibalik ang lahat ng sakit? Pota wag na!
I’m not anyone’s first choice. I’m not anyone’s favorite. People may tell me I mean a lot to them and that I’m special to them but I know there’s someone they will always choose over me.
Bakit nung una ko yan narinig sakanya wala ako mapaglagyan ng saya? Sya kase yung pinakamaambisyon na tao na nakilala ko, yung tipong hindi susuko sa mga pangarap kahit gano kahirap. Pero nitong nakaraan…
Ako: May tatanong ako sayo. Yung totoo lang.
Siya: Ano yun?
Ako: Love mo pa ko? Hindi yan drama ha.
Siya: Oo naman beb, though sometimes mahirap pagsabayin yung relasyon natin tsaka yung ginagawa ko dito minsan naiisip ko na bumitiw din, pero wala e, sa huli lahat ng paghihirap ko mapupunta sa wala kung makikipaghiwalay lang ako sayo, para san pat nagpapakahirap ako dito?
Siguro kung noon ko to nabasa nahimatay na ko sa kakiligan, napalundag na ko sa tuwa pero bakit ngayon nalungkot na lang ako? Siguro dahil hindi ko na maramdaman? Siguro pagod na ako? Pero never naman akong napagod pagdating sakanya, nahihirapan, oo pero napagod? Di ko yun nararamdaman noon kase alam ko na may pinanghahawakan ako.
Pero ngayon? Di ko na alam.
People leave no matter what. Each and everyone of us leaves, no matter how much or how sincere we promise we’d stay. Of course we expect people to, and that’s why it pains us to know that they’ve left us one way or another, whether forced, announced or unnoticed. Either way, when we took the time to care enough to think where they are or where they’ve gone, there will always be this stinging sense of deeply soothed guilt at the back of our minds that we didn’t know was there to begin with. It also strikes us to the core of our hearts and then gives us this desperation to know where they are and how they’re doing… to check on them and probably say ‘hi’. But then again we acknowledge the primary fact that led us to this thoughts - they left us… and further more, we let them leave us.
Ayaw na nya yata saken :(
Pero nadistract ako sa avatar mo, pogi talaga hihi :)))
Hindi ako yung tipo na nag de-demand sa isang relasyon. Kapag tinatanong ako kung ano yung gusto ko, nahihiya pa akong magsabi. Kung ano ang maibigay sa akin, okay na. Kuntento na ako. Hindi ako mahirap pasayahin dahil mababaw lang ang kaligayahan ko. Kuntento na ako sa presensya ng taong gusto kong makasama.
Pero siguro dahil nasa isang long distance relationship ako, nag-uumpisa na akong mag demand. Hindi materyal na bagay kundi atensyon. Mabilis akong mainis kapag hindi nirereplayan agad yung mga text ko. Alam ko na din kung anong mga oras magte-text yung nobyo ko at kapag natagalan siya, naiirita ako. Mag-uumpisa na akong magsungit. Ngayon lang ako nag-uumpisang hindi makuntento pero napagtyatyagaan ko kasi mahal ko.
Makukuntento lang ulit ako kapag makita ko na siya. So sa isang buwan, isang beses lang akong makukuntento sa buhay ko.
Saklap.
“Darating ang araw na babalik ka, may eksaktong petsa.”
Yan ang sabi ko sa sarili ko nung una mo kong lisanin para sa mga pangarap mo. Mahirap maghintay pero andun yung pagasa dahil alam ko na babalik ka, babalikan mo ako.
Sa ngayon, binubulag pa rin ako ng kalokohan na to na binuo ko sa isip ko.
Pero gaano nga ba kahirap tanggapin sa sarili mo na ang pinakahihintay mong araw ay sobrang lapit na pero hindi na nakalaan para sayo? Na kahit nasaang lugar ka man at kahit gaano mo pilitin na maging masaya, maiisip mo pa rin na “paano kaya kung kasama ko sya?” dahil alam mo dapat siya ang andun sa tabi mo sa mga sandaling yon.
Gasgas man pero sasabihin ko pa rin, hindi ko pagsisisihan na nakilala ko ang taong to at naging parte ng buhay ko kahit saglit, pati na ang mga araw na naramdaman ko ang mga unang senyales na malapit na nya akong iwanan ng permanente, yung wala na talagang balikan. Dahil dun, dun ako pinakamasaya kahit minsan masakit.
Ang drama ko, nakakairita.
Pero kung wala, itulog mo na lang ‘yan.